Google Admin Toolbox

Pumili ng HAR file

Paano kumuha ng capture ng HAR

Ang HAR (HTTP Archive) ay isang format ng file na ginagamit ng ilang HTTP session tool para i-export ang na-capture na data. Ang format ay isang JSON object na may partikular na hanay ng mga field. Tandaang hindi lahat ng field sa format na HAR ay mandatoryo, at sa maraming pagkakataon, hindi mase-save ang ilang impormasyon sa file.

May sensitibong data ang mga HAR file!
  • Content ng mga page na na-download mo habang nagre-record.
  • Iyong cookies, na magbibigay-daan sa sinumang may HAR file na gayahin ang account mo.
  • Lahat ng impormasyong isinumite mo habang nagre-record: mga personal na detalye, password, at numero ng credit card, atbp.
Pagkatapos i-upload ang iyong HAR file, puwede mong i-click ang button ng pag-redact sa kaliwang sulok sa itaas para mag-download ng bersyon ng HAR file na may na-redact na sensitibong data. Pagkatapos ay puwedeng ligtas na ibahagi kung kinakailangan ang na-redact na bersyon.

Puwede kang kumuha ng capture ng HTTP session sa maraming browser, kasama ang Google Chrome, Microsoft Edge, at Mozilla Firefox.

Internet Explorer/Edge

Tingnan ang mga detalyadong tagubilin sa Siyasatin ang aktibidad ng network sa DevTools ng Microsoft Edge sa website ng Microsoft.
  • Buksan ang Mga Tool ng Developer mula sa menu (Menu > Higit pang Tool > Mga tool ng developer), o sa pamamagitan ng pagpindot sa F12 (o Fn-F12) sa iyong keyboard.
  • Buksan ang tab na Network.
  • Hanapin ang bilog na button sa kaliwang bahagi sa itaas ng tab na Network. Siguraduhing pula ito. Kung gray ito, i-click ito nang isang beses para simulan ang pag-record.
  • I-on ang "Panatilihin ang log."
  • I-reproduce ang isyu.
  • I-save ang capture sa pamamagitan ng pag-click sa pababang arrow malapit sa itaas ng tab na Network.
Para sa Internet Explorer, gamitin ang HttpWatch:
  • I-download at I-install ang HttpWatch.
  • Simulan ang pag-capture ng HttpWatch sa mismong sandali bago i-reproduce ang isyu.
  • Ihinto ang pag-capture ng HttpWatch pagkatapos na pagkatapos i-reproduce ang isyu.
  • I-export ang capture sa format na HAR.

Firefox

  • Simulan ang Mga Tool ng Developer ng Firefox sa Network mode (Menu sa kanang bahagi sa itaas > Developer > Network, o Ctrl-Shift-E / Cmd-Alt-E sa macOS).
  • I-on ang "Panatilihin ang mga log" sa kanan.
  • I-reproduce ang isyu.
  • I-save ang capture sa pamamagitan ng pag-right click sa grid at pagpili sa "I-save lahat bilang HAR".

Chrome

Puwede mong i-record ang iyong HTTP session gamit ang tab na Network sa Mga Tool ng Developer sa Chrome.
  • Buksan ang Mga Tool ng Developer mula sa menu (Menu > Higit pang Tool > Mga tool ng developer), o sa pamamagitan ng pagpindot sa F12 (o Fn-F12) sa iyong keyboard.
  • Mag-click sa tab na Network
  • Hanapin ang bilog na button sa kaliwang bahagi sa itaas ng tab na Network. Siguraduhing pula ito. Kung gray ito, i-click ito nang isang beses para simulan ang pag-record.
  • I-on ang "Panatilihin ang log."
  • Puwede mong gamitin ang button na i-clear (bilog na may diagonal na linya ) sa mismong sandali bago subukang i-reproduce ang isyu para maalis ang hindi kinakailangang impormasyon sa header.
  • I-reproduce ang isyu.
  • I-save ang capture sa pamamagitan ng pag-click sa pababang arrow malapit sa itaas ng tab na Network.